Unlad Ekonomiya, Unlad Pilipinas.
Ang ekonomiya ng ating bansa ay may iba't-ibang sektor. Ang mga sektor na bumubuo sa ating ekonomiya ay ang Sektor ng Agrikultura, Sektor ng Industriya at Sektor ng Paglilingkod, Ang mga sektor na ito ay tumutulong sa ating ekonomiya upang maging maunlad ang ating bansa.
I. Sektor ng Agrikultura
'
Ang agrikultura ay isang agham at sining na may kinalaman sa pagpaparami ng mga hayop, tanim at halaman. Ito ay may kaugnayan sa labas ng gawain na sangkot ang mga hayop at halamanan. Ang bawat gawain ay sakop ng agrikultura. Ang bawat gawain ng sektor na ito ay may malaking naitutulong sa bawat pamumuhay ng mga tao at ng bansa. Ang sektor ng agrikultura ay may malaking gampanin sa pagpapaunlad ng bansa. Ito ang mga sulranin at ang mga kanilang mga solusyon na makakatulong sa sektor na ito.
1. Pagkaubos ng Kagubatan
2.Global Warming
3. Kakulangan sa implementasyon ng mga programang pansakahan
4. Kawalan ng suporta ng pribadong sektor
5.Erosyon sa lupa
Mga Solusyon
1. Tunay na pagpapatupad ng reporma sa lupa
2. Pagtatakda ng tamang presyo sa mga produktong agrikultura
3. Pagbibigay ng subsidy sa maliit na magsasaka
4. Pagtatag ng kooperatiba at bangko rural
5. Pagbibigay ng impormasyon at pagtuturo sa mga magsasaka ukol sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya
Mga Batas Ukol sa Reporma sa Lupa
1.1902 Public Land Registration Act - ito ay pagpapatala ng mga titulo sa lupa ng mga Pilipino.
2. Batas Republika Blg. 1160 - Naitatag ang National Settlement and Rehabilitation Administration (NARRA) na nangangasiwa sa pamamahagi ng lupa ng pamahalaan sa mga rebeldeng nagbalik-loob sa pamahalaan at sa mga pamilyang walang lupa.
Ang Benepisyo
Ang mga batas na ito ay ipinatupad para sa mga manggagawa na nasa sektor na ito.
II. Sektor ng Industriya
Ang mga katangian ng isang industriyalisadong bansa ay ang pagtataglay ng malaking kapital, mataas na antas ng teknolohiya, matatag na negosyo, modernong imprastraktura, makabagong teknolohoiya, ganap naserbisyong publiko, at marami pang iba.
Mga Suliranin
1. Kawalan ng sapat na puhunan - ang ating industriya ay nahihirapang palawakin o paunlarin dahil wala itong sapat na kakayahang pondohan ang negosyo o industriya. Nagkaroon din ng kakulangan ng malalaki at modernong planta upang mapabilis ang produksyon ng industriya. Nagkaroon din ng kakulangan sa mga eskpertong manggagawa na kinakailangan ng industriya para sa pagsasaayos ng produksyon nito sa kadahilanang halos lahat ng magagaling na manggagawa ay nagtatrabaho sa ibang bansa dahil sa kakulangan ng puhunan para isahod ang mga ito.
2. Kakulangan ng suporta at proteksyon ng pamahalaan - ang ating mga industriya ay nangangailangan ng suporta ng pamahalaan pagdating sa pagbibigay ng puhunan sa mga maliit na negosyo o industriya. Ang maliliit na industriya ay lubhang naaapektuhan ng pagpasok ng malayang industriya na nagaalok ng murang produkto at serbisyo sa ating pamilihan. Sa ganitong sitwasyon at hakbang ng pamhalaan nagiging sagabal ito sa pagsulong ng mga ibang bansa.
3. Hindi angkop ang proyekto ng pamahalaan - marami ang proyekto ng pamahalaan na ipinatutupad ngunit ito'y hindi napapakinabangan ng industriya kaya maraming nasayang na pondo na ginamit sa pagpapatupad nito.
4. Pagiging import independent ng mga industriya - ang kinikitang dolyar ng industriya ng bansa sa mga pag e-export ng mga produkto ay ginagamit ding pambili ng mga dayuhang produkto sa kadahilanang kailangan din ito ng ating industriya upang umunlad. Ang mga kagamitang modern na kailangan ng industriya ay mahalaga ngunit ito'y hindi matustusan dahil sa kakulangan ng pondo nito upang makabili kaya mabagal at nagiging mababa ang produksyon.
5. Pagpasok sa mga dayuhang kompanya - marami sa mga multinasyonal na korporasyon at dayuhang negosyante ay nagiging direktang kakompetensya ng mga lokal na kompanya at ng mga namumuhunang Pilipino. Dahil sa globalisasyon naging bukas ang ating pandaigdigang kalakalan at kompetisyon. Nagdudulot ito ng pagkalugi ng mga kompanya na pag-aari ng mga Pilipinong negosyante na hindi gumagamit ng mga makabagong teknolohiya. Marami sa mga dayuhang negosyante ang mas matagumpay sa kanilang negosyo sa kadahilanang mas tinatangkilik ng mga Pilipino ang mga produktong nagmula sa ibang bansa kaysa sa produktong gawa ng lokal na kompanya. Marami rin sa mga dayuhang kompanya ang pinauutang ng lokal na bangko kaysa sa lokal na kompanya.
Mga Solusyon
1. Pagkaloob ng pautang sa mga lokal na negosyo
2. Pagpapatupad ng batas para sa proteksyon
3. Pagbibigay ng subsidy sa maliliit na kompanya
4. Pagbibigay ng prayoridad sa pangangailangan ng industriya
5. Paglinang ng yaman ng bansa na kailangan ng bansa
Mga Patakaran
1. Filipino First Policy - naglalayon na bigyan ng pagkakataon ang mga negosyanteng Pilipino
2. Oil Deregulation Law - nagtatakda ng hindi pakikialam ng pamahalaan sa pagtatakda ng presyo, pag-aagkat at pagluluwas ng mga produktong petrolyo, at pagtatayo ng mga gasoline stations, depots at refineries.
3. Microfinancing - pagtulong ng bangko na magkaroon ng pagkakataon ang mga maliliit na negosyante na magtayo ng kanilang sariling negosyo.
4. Online Business - mas napapadali ang pagbebenta at pagbili ng isang produktong nais ng isang mamimili
III. Sektor ng Paglilingkod
Ang Sektor ng Paglilingkod o Serbisyo ang isa sa tatlong uri ng industriya sa isang maaayos na ekonomiya. Ito ang sektor na nagbibigay ng iba't ibang serbisyo sa mga negosyo sa mga konsyumer. Ang serbiyo'y maaaring pagdadala, pamamahagi, o pagbebenta sa konsyumer ng mga produkto mula sa prodyuser, tulad ng nangyayari sa industriya ng turismo paglilibang.
Mga Suliranin
Mga Benepisyo na Sumosolusyon sa Mga Suliranin
Ang Saligang Batas ng Pilipinas (Philippine Constitution) ay ang pinakamataas na batas sa Pilipinas kung saan lahat ng mga batas ay dapat naaayon dito. Ito ang kadahilanan kung bakit ang mga karapatan ng mga manggagawa na nasusulat sa Saligang Batas ay dapat maibigay sa kanila, at kung mayroon mang batas, ordinansa o mga executive issuance na labag sa Saligang Batas, ito ay dapat mapawalang-bisa.
Nasusulat sa Saligang Batas na ang bansang Pilipinas ay kinakatigan ang kahalagahan ng pagtatrabahao (labor/employment) bilang pinakapuwersang pang-masa sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya, kaya dapat protektahan ng bansa ang karapatan ng mga manggagawa at dapat din iangat ang kanilang estado sa buhay.